Bakit ako happy?

864285341 Sana hindi ka nagbabasa ng blog, sana hindi mo malamang para sa iyo to…

Kahit alam kong panaginip na naman ito, na wala ring pupuntahan lahat, kuntento ako. Gusto kong tinitingnan ka mula sa malayo, gusto kong naririnig yung boses mo kahit hindi ako ang kausap mo. Kaya lang hindi ko maiwasang itanong kung bakit huli na naman akong dumating sa buhay mo, kung bakit huli ka na rin nang dumating sa buhay ko??? Noong una kitang makita, ang sabi ko….ayan, mabuti naman at may mapati-tripan ako dito sa bagong mundong pinasok ko…pero hindi lang pala trip… hindi lang pala basta ganun…kasi iba ka.

Hindi man kita maabot ngayon, hindi mo man malamang ikaw ang tinutukoy ko, kahit wala kang pakialam, ok lang. Alam ko ang pangalan ng mahal mo, nabasa ko sa isang testimonial ng isang kaibigan mo…sana masaya ka sa piling nya…sana hindi ka umiiyak.

Ako, mananatili na lang sigurong ganito, pero uulitin ko…masaya ako.

Bookmark and Share

2 Responses to “Bakit ako happy?”

  1. - Anne - Says:

    Grabe na to, Andy… Kapag nagbasa kaya siya ng blog, malalaman kaya niya na siya yon?hehehe…. (di nga, seryosohan na ba talaga? :)

  2. Jel Says:

    Eh kasi naman yung ibang tao dyan manhid!!

Leave a Reply